Posts
ARALING PANLIPUNAN 10: PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT KATUTURAN (Week 1&2)
- Get link
- X
- Other Apps
PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT KATUTURAN Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang citizen , siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, ang pagkamamamayan ay may mga batayan at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas. Dito rin nakapaloob ang mga tungkulin at karapatan ng bawat mamamayang Pilipino. ANG MAMAMAYANG PILIPINO Sa Artikulo IV, Seksyon 1- 5 ng 1987 Konstitusyon, nakasaad ang mga itinatakda ng batas hinggil sa kung sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino. SEKSYON 1 . Ang sumusunod ay ang mamamayan ng Pilipinas: (1) Ang mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas na ito; (2) Ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) Ang mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili...