ARALING PANLIPUNAN 9: KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN
ARALING PANLIPUNAN 9 KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN TUKLASIN AT SURIIN Narito ang mga iba’t ibang konsepto ng pag-unlad: ● Sa diksiyonaryong Merriam-Webster , ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa salitang pagsulong. ● Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw niyang inilahad ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pag- unlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad. ● Ayon pa rin kay Fajardo , ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mga halimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan, at marami pang iba. Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad. Dapat itong makalikha ng mas marami at lalong mabuting produkto at serbisyo. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay is...