Posts

Showing posts from April, 2023

ARALING PANLIPUNAN 9: SEKTOR NG AGRIKULTURA

ARALING PANLIPUNAN  9 ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA   T UKLASIN AT SURIIN   Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.   Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman ( farming ), paghahayupan ( livestock ), pangingisda ( fishery ), at paggugubat ( forestry ).  niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.   Paghahayupan . Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, ...

ARALING PANLIPUNAN 9: KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN

  ARALING PANLIPUNAN  9 KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN TUKLASIN AT SURIIN   Narito ang mga iba’t ibang konsepto ng pag-unlad:   ● Sa diksiyonaryong Merriam-Webster , ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa salitang pagsulong.   ● Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw niyang inilahad ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pag- unlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad.   ● Ayon pa rin kay Fajardo , ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mga halimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan, at marami pang iba. Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad. Dapat itong makalikha ng mas marami at lalong mabuting produkto at serbisyo. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay is...