ARALING PANLIPUNAN 9: MGA PATAKARAN AT PROGRAMA UPANG MAPAUNLAD ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA
ARALING PANLIPUNAN 9 MGA PATAKARAN AT PROGRAMA UPANG MAPAUNLAD ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA TUKLASIN AT SURIIN MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA 1. Land Registration Act ng 1902 Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat. 2. Public Land Act ng 1902 Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain. 3. Batas Republika Bilang 1160 Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa. 4. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-aabuso, pagsasa...