ARALING PANLIPUNAN 9: MGA PATAKARAN AT PROGRAMA UPANG MAPAUNLAD ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA
ARALING PANLIPUNAN 9
MGA PATAKARAN AT PROGRAMA UPANG MAPAUNLAD ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA
TUKLASIN AT SURIIN
MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA
1. Land Registration Act ng 1902
Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
2. Public Land Act ng 1902
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.
3. Batas Republika Bilang 1160
Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
4. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
5. Agricultural Land Reform
Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito. Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang kasama. Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan.
Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari ng lupa.
6. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
7. Atas ng Pangulo Blg. 27
Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang pananim.
Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.
8. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. May hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito. Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang: liwasan at parke, mga gubat at reforestration area, mga palaisdaan, tanggulang pambansa, paaralan, simbahan, sementeryo, templo, watershed, at iba pa.
Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura
PAGTATANIM/PAGSASAKA
- Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maikatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka: - Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong mayroon suportang maibibigay sa kanila; - Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka; - Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya itinayo ang Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship Program; at agrarian reform zones. - Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang matiyak ang kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan ng reporma sa lupa. PANGINGISDA
|
Comments
Post a Comment